Wednesday, January 9, 2008

“Bismillahir Rahmanir Rahim”

Ang Apat Kong Asawa
by: Ali Janaban


Alhamdullillah hamdankathiran kama’amar, Ashadu anla Illaha Illallah wahdahulaa sharikala Wa ashshadu anna Muhammadan Abduhu wa Rasuluh.Wa ala’alihi wa ass’haabihi ajmain waman da’a bida‘a watihi wa tamassaka Bisunnatihi illa yaummideen.

Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay tanging sa Allah lamang, Gaya ng pag-uutos niyang pag-pupuri, akoy sumasaksi na walang ibang Dios na karapatdapat sambahin maliban sa Allah lamang. Nanag-iisa at walang katambal, At si Muhammad ay kanyang alipin at sugo. Naway ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay propeta Muhammad sa kanyang pamilya at kasamahan at taga sunod hanggang sa huling Araw.

Marahil ay magtataka kayo sa mga bagay na aking tatalakayin, sapagkat itoy tungkol sa aking pribadong buhay. Matagal na akong nanahimik subalit sa sumandaling itoy hayaan ninyong isiwalat lo ang lihim ng aking masalimuot na karanasan. Nakakahiya man subalit kung mananahimik ako ay baka tulad ko rin kayong napabayaan ang kinabukasan sa hinaharap at maaring sa kabilang buhay

Hindi ako nakadarama ng kahihiyan o naiinsulto man ang magsiwalat ng lihim. Ni mensan ang lihim na ito ay hindi ko sinabi kaninoman. Kahit na sa pinaka malapit kong kaibigan, kahit na sa aking asawa. Ang sabihin sa inyo ang katotohanan. Meron akong apat na asawa. Dahil sa kayo ang gusto kong bigyan ng halaga sa ngayon, ay minabuti kong isiwalat sa inyo ang tungkol sa kanila. Na pakatindi naman ng hiya ko, na umabot hanggang sa pagsisiwalat ng aking sariling prebadong buhay… Ayaw kong kimkimin ito ng sarili ko lamang, panahon na upang inyong malaman. Pakiusap lang kunting katahimikan upang ang gustong makinig ay makapakinig.

Hayaan ninyong simulan ko sa aking pinakamagandang asawa, ang pang-apat kong asawa, sa ganito uminog ang takbo ng aking pag-aasawa tandang-tanda ko pa ang lahat …Pinakamamahal sa akin at siyempre pinakamahagad sa aking atensiyon o pansin sa akin. Pinangangalagaan ko siyang mabuti, magiliw ako sa kanya. Sapagkat katotohanang napakatamis at napakaganda niya, Wika nga ng iba “Wonderful” Nisahinagap ay hindi ko inisip na lilipas din siya. Kapag minsan napapaharap ako sa salamin at nasasabi ko ang guwapo mo Ali, nakakagigil ka, dahil sa pagkakaroon ko ng magandang asawa. Niminsan hindi ko rin naisip nakahit ubusin ko man ang suweldo ko sa pagbili ng pangpaguwapo tatanda parin ako mangungulubot parin sapagkat ito ang tanda ng panahon. Hindi ko kayang labanan ang paglipas ng panahon… nakakalungkot mang isipin subalit hindi ito sumagi sa aking isipan… Giliw na giliw ako sa aking kasalukuyang buhay…

Ito naman ang kwento ng Aking pangatlong asawa, mahal din siya sa Akin at nakadarama ako ng pagmamalaki, kapag siyay aking pinakikita sa aking mga kamag-anakan, kakilala, at kaibigan. Pag-mamalaki na umabot sa pag-iisip na lalopang pag-ibayohin ang kanyang kaanyuan. Dahil dito ay lagi akong nagaalala, hanggang sa umabot sa pag-aalinlangan. Ang sabihin sainyo ang katotohanan, na akoy merong alinlangan sa aking pangatlong asawa. Akoy nagdududa na minsan isang araw siyay sasama sa ibang lalaki… Marahil sapagdisplay- display ko, kaya ganon ang nadarama ko… Masakit paring isipin kapag sumasagi sa aking ala-ala, ang mga bagay tungkol sa pangatlo kong asawa, nawawalan ako ng katahimikan…

Sa pangalawa kong asawa kahit ihalo mo sa karamihan ay makikilala ko parin siya, ibang-iba sa lahat. Mahal din siya sa akin sapagkat siyay mapagkikilanlan mo kaagad, kisa sa iba kong asawa. Sa pagiging maunawain, mapagpasensiya at matiisin. Kahit na hindi ko siya mahal ng tulad ng pagmamahal ko sa aking ikatlo at ikaapat na asawa, subalit nakuha niya ang aking pagtitiwala. Ang katotohanan pag akoy nagkakaroon ng problema, pumupunta ako sa kanya, upang humingi ng tulong. Sapagkat sa akin siyay pinakamatalik kong kasama o kaibigan sa sandali ng pangangailangan at kagipitan…

Tungkol naman sa aking unang asawa, na siyang pinakamatapat na kabahagi ng aking buhay at siyang tanging matindi ang pangangalaga sa lahat-lahat ng aking mga gawa. Pangangalaga sa aking bahay, lahat halos ng katangian ng isang may bahay ay matatagpuan mo sa kanya. Subalit siya sa kasawiang palad ay hindi man lamang nagkaroon ng kabahagi ng aking pagmamahal. Kahit na mahal na mahal niya ako. Napakasakim ko sa kanya, ni hindi ko siya nabahagihan man lamang ng aking pagmamahal. Naging abala ako sa ligaya ng mundong ito. Ni hindi ko man lamang naala-ala na minsan ay lilipas din ako.

Kaylan ko pa kaya mababago ang buhay ko? May magagawa pa kaya ako kong akoy mawalan na ng buhay? Ito ang mga katanungan na sa akin ngayon ay lagi ng nasa ala-ala… Ito ang buod na bahagi na lihim ng buhay ko.. Dito umiinog ang pamagat ng salaysay kong ito…”Ang apat kong Asawa”…

Ang kwento ay tungkol sa isang mangangalakal. Na meron ding apat na asawa. Ang asawa niya ay tulad din ng aking mga asawa na unang nai-kwento ko sa inyo. Nang ang mangangalakal ay nagkasakit at naratay ng matagal sa kanyang karamdaman. Wala siyang unang naisip maliban sa kanyang mga asawa, ang apat niyang asawa. Tinawag nya ang ika-apat niyang asawa, at nag wika “Love ikaw ang pinakamamahal sa akin. Pinagsikapan kong ibili ka ng pinakamagandang damit mga mamahaling alahas pinalamutian kita ng mga bagay na iyong maibigan. Ibinuhos ko sayo ang lahat ng aking pangangalaga. Mamahaling pabango, lotion, at lahat ng mga bagay na ikagaganda mo ay sinikap kong maipagkaloob sayo. Mgayon nadarama kong malapit na akong bawian ng buhay. Pwedi bang sa maikling panahon ay makapiling ka lamang? Damayan mo ako sa kalagayan kong ito kahit saglit man lamang. Pwedi ba? Mabilis na sumagot ang ika-apat niyang asawa. Para ano pa!!! at nagmamadaling lumayo…
Ang sagot ng ika-apat niyang asawa ay parang patalim na tumarak ng matuwid sa kanyang puso. Kawawang mangangalakal nawalan ng halaga ang panahong iniukol niyang pagmamahal sa ika-apat na asawa…

Sa gayong kalagayan ang mangangalakal siyempre pa, ay tumawag sa kanyang ikatlong asawa na siyang kasunod na nagkaroon ng pitak sa kanyang puso, at siyay nagsabi. “Minamahal kita sa buong buhay ko, Pinagmamalaki pinagpipitagan at pinagsikapang pagyamanin na ikaw na lamang ang inaala-ala ko. Mgayon akoy mahina na at sa pusoy may sugat, nakadarama na ako na iiwanan kona ang buhay na ito. Pwedi bang samahan mo ako sa aking kalungkutan?” At sumagot ang ikatlong niyang asawa, mariin at may halong tuwa sa kanyang kalagayan, imbis na malungkot ay nagagalakpang nagsabi. “Napakatamis ng buhay o kay sarap ng mabuhay. Ikinalulungkot ko ang sabihin sayo, akoy magpapakasal sa ibang lalaki, matapos kang bawian ng buhay.” Ang mangangalakal ay nanlumo sa tinurang iyon ng kanyang asawa, Parabang magdidilim na ang paligid para sa kanya. Hindi paman siya namamatay ay may plano napala siyang iwanan ng kanyang asawa at dito niya naala-ala ang ikalawa niyang asawa…
Pag-asa na mapawi ang kanyang kalungkutan, kahit nahihirapan pinilit niyang maging masaya ang tinig ng kanyang tawagin ang ikalawa niyang asawa. “Kapayapaan sayo aking mahal, pinaaalala ko sayo ang labis mong pagtulong sa akin mga payo at suporta sa mga panganga-ilangan, kung kailangan kita ay buong puso kang nagbibigay, di ako nagdadalawang salita sayo agad kang tumatalima. Sa pagkakataong ito marahil ay di ako mabibigo sayo, sapagkat higit kaninoman ay mgayon ko kailangan ang tulong mo. Pwedi bang damayan mo ako sa aking pagiisa, please…Karangalan ko ang makapiling ka…” At sumagot ang ikalawang asawa sa garalgal na boses… “Akoy natatakot, sa sumandaling itoy hindi kita matutulongan at sa pagkakataong ito, ang tanging magagawa ko lamang sayo ay ang ihatid kita sa iyong libingan” Sa tinurang yaon ng ikalawang asawa ay parang mga bala na nagtagusan sa kanyang katawan,…Walang kaginsa-ginsay may tinig siyang narinig, mahinang tinig na para bang nagmumula sa ilang …na nagsabi… ”Sasama ako sayo at susundan kita saan kaman pumaroon aking sinta…” at tumingin ang mangangalakal sa pinagmumulan ng tinig…at nakita niya, ang kanyang unang asawa… Mukhang hirap na hirap at pagod na pagod, putla na at namamayat parang buto na lamang at balat, katulad ng ilang araw ng hindi kumakain… Sa sandaling yaon nalimutan nya ang kanyang nadarama, napalitan ng labis naawa at habag, nagsisisi at nagsasabi sa kanyang sarili na may halong pag-iyak. “Dapat…noon pakita pinangalagaan, pinangalagaan sa aking buong buhay… Bakit ngayon ko lang nakita ang yong kahalagahan,.. ngayon pang mahina na ako at wala ng magagawa … kaawa-awa kung asawa… kasalanan ko ang lahat..

Ang paglalahad na ito sa kabuohan ay maaring pagpasiyahan na bawat isa sa Atin ay may apat na asawa:
Ang ika-apat na asawa ay sumisimbulo ng ating katawan, kahit ano pang pangangalaga mo rito, pagpapalamuti natin dito, pagpapabango, lotion upang Hindi mangulubot, mauubos mo ang kayamanan mo, subalit itoy uuwi parin sa Pangungulubot at itoy hindi sasama sa ating huling kasasadlakan. Hindi ito sasama sa atin… Ang ikatlong asawa natin ay kumakatawan sa ating kayamanan at ari-arian, na mapupunta sa iba kapag tayoy binawian ng buhay, marami ng nailibing na kilalang tao, mayaman magandang kabaong subalit di niya nadala ang yaman, at iba na ang nakinabang … Ang ikalawang asawa natin ay ang ating kamag-anakan, kaibigan, kakilala, Kahit ano pang tindi ng closeness ninyo, mga pagbibigay tulong at payo at gaano man katindi ang pag-uugnayan sa bawat isa. Kahit pa ang pinakamalapit sayo…. Ang pinakamalayong punto na masasamahan nila tayo ay ang ating libingan…ito ang katotohanan…

Ang unang asawa naman ay walang sino mang nakakita pa sa kanya maliban sa Allah… Iyan ang ating kaluluwa… Siya ang magdadala ng lahat-lahat nating pag-papabaya, habang tayoy abalang-abala sa ligaya na dulot ng makamundong bagay… Hindi makatarungan ang pag-papabaya, makatarungan ang pangalagaan sila sa pamamagitan ng mabuting gawain… Dahil sa katotohanan siya lamang talaga ang makakasama natin sa sandali ng mahirap na kalagayan. Marahil ito ay isang maganda at kaakit-akit na paraan upang mabago natin ang nasisira nating puso, kailan pa tayo magigising sa mundong nakalalasing, Kilan patayo maghahanda ng dadalhin sa ating paglalakbay, kung tayo ay ala ng kakayanan, katotohanan ang mundong ito ay paraiso ng mga hindi nananam-palataya, at kulungang walang rihas sa mga mananampalataya… gising na kabayan ko at tayoy maglalakbay sa hantungang ikaw narin ang naglagay, malapit ng dumilim maghanda ng dadalhin, upang ang landas ay tuntunin tungo sa bukas na kaylanman ay di magmamaliw…

Iniulat ni Anas (r.a.) Tatlong kasamahan ang sasama sa namatay na tao, dalawa ang babalik at ang isa ay mananatili sa kanya… Ang kanyang pamilya ang kanyang kayamanan, at ang kanyang mga nagawa… Kapag ang namatay ay nailibing na babalik ang kanyang pamilya at ang kanyang kayamanan, subalit ang kanyang mga nagawa ay mananatili sa kanya… (Muslim#hadit bilang 2086) Buong pusong tinatanggap ng mga muslim ang tiyak na pagdating ng kamatayan, lumaki man siya sa pananampalatayang Islam 0 kaya’y yumakap ng Islam, sa huling yugto ng kanyang buhay. Gayon pa man, hindi gaanong nabibigyang pansin ito sa araw-araw na pamumuhay. Kadalasan, naaalala lamang ang kamatayan kapag may namatay sa miyembro ng kanyang pamilya o may kakilalang namatay. Likas lamang ang pag-aala-ala sa kamatayan kapag may taong pumanaw. Si propeta Muhammad (s.a.w.) ay nagsabi: Sapat na, bilang paala-ala ang kamatayan… Batid ba natin kung ano ang nangyayari habang binabawian ng buhay ang tao? Alam ba natin kung ano ang nangyayari sa kanyang libingan? Ano ang maaari nating gawing paghahanda sa ating sarili upang harapin ang hindi maiiwasang paglisan nitong buhay? Bilang pagbibigay paala-ala sa mga Muslim kung paano ihahanda ang sarili upang maiwasan ang parusa at hirap sa panahong binabawian ng buhay at sa panandaliang panahon ng pananatili sa libingan. Higit sa lahat ay upang mailigtas ang sarili sa poot at parusa ng Allah (s.w.t.) ang kataas-taasan.
Hindi sapat ang pagpapahayag ng “shahada” ang pundasyon ng pagiging isang Muslim, upang iligtas siya sa hirap at sakit sa sandaling binabawian ng buhay, ni hindi ito magsisilbing protiksyon sa parusa sa libingan at kabilang buhay. Inaasahan din sa Muslim ang pagkakaroon ng maliwanag na pagkaunawa na dapat siyang magsikap upang isagawa ang kanyang tungkulin bilang isang Muslim sa abot ng kanyang makakaya, upang matamo ang kasiyahan ng Allah (s.w.t.) magkaroon ng mapayapang paglikas tungo sa kabilang buhay, at makamit ang walang hanggang kaligayahan sa Jannah (Paraiso). Gayon pa man, kailangang naaayon sa mga pinag-uutos ng Allah(s.w.t.) sa banal na Qur’an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad (s.a.w.)ang kanyang mga gawa. Upang maisakatuparan ito. Kinakailangang pag-aralan ang tamang pagsasagawa ng Deen (pananampalataya o panuntunan ng buhay). Sadyang mahalaga ang kaalaman tungkol dito upang tanggapin ng Allah (s.w.t.) ang ating mga gawa. Papaano nga ba magsimula? Ang pagkakaroon ng isang matapat na hangaring maisakatuparan ang pagtahak sa landas ng Allah(s.w.t.) at ang paghingi ng kanyang tulong ang una at ang pinakamahalaga. Hindi maipagkakaila na mahirap ang unang bahaging ito dahil sa mga tuksong nakapaligid na laging humahatak sa atin. Subalit patungo tayo sa Jannah (Pariso) at nagsabi si Propeta Muhammad (s.a.w.) na napapaligiran ang Jannah ng hirap at dusa na siyang kabaligtaran ng patungo sa Jahannam (Impiyerno) na napapaligiran naman ng mga kaakit-akit na makamundong bagay. Kapag-umiral sa sino man na ang pagbibigay kasiyahan sa Allah (s.w.t.) ang siyang pinakamahalaga, babaguhin niya ang kanyang mithiin. Gagawin niya ang mga bagay na dapat unahin tungo sa pagbibigay kasiyahan sa kanya. Kaya naman, magiging mahalaga sa kanya ang bawat kilos at gawa dahil sa hangaring makamit ang gantimpala mula sa kanya. Marubdob niyang pinili ang kanyang layunin kayat nakatuon ang sarili sa pagsasagawa ng mga bagay na kasiya-siya sa Allah (s.w.t.). Kapag malinaw ang layunin (ang pagbibigay kasiyahan sa Allah (s.w.t.), simulan ang pagsagawa at ibigay ang tiwala sa Allah(s.w.t.). Kanya tayong tatanggapin ng malugod, tutulungan at sa dakong huli’y ipagkakaloob ang kanyang patnubay. Tiyak na kasiya-siya ang paglalakbay. Bagamat katakataka matatagpuan ang sariling nasisiyahan sa mga hirap at pagsubok na maaring danasin sa pagtahak sa landas ng Allah (s.w.t.) Dalangin ko sa Allah (s.w.t.) na patnubayan niya tayong lahat sa tamang landas, gawing dalisay ang ating tanging layuning magbigay kasiyahan sa kanya.

Tulongan nawa niya tayong maging matuwid hanggang sa araw na tayo’y haharap sa kanya. Siya lamang ang bukod tanging nag-iisa na makapangyayari nito sa atin.

Ang pagkuha sa kaluluwa at ang katayuan sa libingan

Naiulat na si Al-Bara bin Azib ay nagsabi: Kami ay umalis kasama ang propeta (s.a.w.) upang dumalo sa libing ng isang patay mula sa Ansar. Kami ay dumating sa libingan ngunit ang hukay ay hindi pa lubos na naihahanda. Kaya si propeta Muhammad (s.a.w.) ay umupo na nakaharap sa Quibla at kami ay umupo paikot sa kanya, nagmamatyag at nakikinig na para bang may mga ibong nakadapo sa aming mga ulo. Siya ay may hawak na patpat na kanyang iginuguhit sa lupa. Pagkatapos nito siya ay nagsimulang tumingin ng papalit palit sa langit at lupa. Itinaas ang kanyang paningin at ibinaba ito at sa wakas siya ay nagsabi ng dalawa o tatlong ulit; “Magpakupkop sa Allah (s.w.t.) Laban sa parusa sa libingan.” Pagkatapos siya ay nagsabi ; “O Allah(s.w.t.) katiyakang Ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa parusa sa libingan.” Kanyang inulit ito ng tatlong beses, pagkatapos ay kanyang ipinaliwanag ito. Katotohanan, kapag ang mananampalatayang alipin ay lilisan sa mundong ito at papasok sa kabila.
Ang mga anghel sa langit ay bababa papunta sa kanya. Ang kanilang mga mukha ay mapuputi dahil sa liwanag tulad ng liwanag ng araw at may dala silang mga tilang panglibing at pabango mula sa paraiso. Mauupo sila sa kanyang harapan na ang layo ay abot ng kanyang matatanaw. Pagkatapos ang anghel ng kamatayan ay darating sa taong iyon, mauupo sa kanyang ulonan at magsasabi, “O mabuting kaluluwa, lumabas ka sa kapatawaran at kaluguran ng iyong panginoon,” pagdakay lalabas ang kaluluwa sa katawan na parang tubig na dumadaloy sa labi ng tapayan at ang lahat ng mga anghel sa pagitan ng langit at lupa ay nananalangin para sa biyaya ng Allah ( s.w.t.) na naway ipagkaloob ito sa kanya. Ang mga pinto ng kalangitan ay bukas para sa kanya at ang lahat ng tagapanatili ng mga pintuang ito ay nagsusumamo sa Allah (s.w.t.) na naway idaan sa harap nila ang kaluluwang ito habang itinataas sa langit. Ang Anghel ng kamatayan ay bahagyang kukunin ang kaluluwa sa kanyang mga kamay at pagkatapos niyon ay kukunin ng ibang Anghel ang kaluluwa, babalutin siya ng telang may pabango. Ito ang ibig sabihin ng salita ng Allah ( s.w.t.) “Ang aming mensahero ( mga anghel) ay kukunin ang kanyang kaluluwa at silay hindi nagkakamali sa kanilang mga tungkulin.”(Q 6 :61)

Pagkatapos ang propeta ( s.a.w.) ay nagsabi; “Sisingaw mula sa kaluluwa ang amoy ng pinakamabangong amoy ng isang musko na matatagpuan sa mundong ito. ”Ang mga Anghel ay aakyat kasama ng kaluluwa, wala ni isang grupo ng mga Anghel ang hindi maririnig na magsasabi, “ Sino itong kahanga-hangang kaluluwa” Sila ay sasagot, “Si ganito si ganito anak ni ganito at ganito,” tinatawag siya sa pinakamagandang pangalan na napag-alaman siya noong nabubuhay pa siya sa lupa.

Sa kanilang pagdating sa unang kalangitan, ang mga anghel ay hihiling na buksan ang pinto para sa kaluluwa at itoy pahihintulotan. Ang kaluluwa ay sasamahan ng mga Anghel sa bawat pintoan hanggang sa maabot nila ang pinakataas nito, ang pangwakas ay ang ikapitong kalangitan. Pagkatapos ang Allah (s.w.t.), Ang pinakamakapangyarihan at dakila ay magsasabi sa mga Anghel. Ilagay ang talaan ng aking alipin sa Illiyun.” (Q 83 :19-21) Magkagayon ang talaan ng mga gawa ng taong iyon ay ilalagay sa Illiyun, pagkatapos niyon isang utos ang maririnig : “Ibalik siya sa lupa, sapagkat katotohanan Aking ipinangako sa sangkatauhan na matapos Ko silang likhain sa lupa, Aking ibabalik sila dito. At pangyayarihin Kong ilabas muli sila rito sa ibang panahon.”(Q 20 :55) Pagkatapos ang kaluluwa ay ibaba sa lupa, pabalik sa kanyang katawang lupa. Katiyakan, maririnig ng patay ang yabag ng mga taong nakipaglibing sa kanya sa kanilang paglisan at paglayo sa kanyang libingan. Kapagdaka’y dalawang Anghel, mahigpit at mabalasik sa pagtatanong ang lalapit sa kanya at iuupo siya at silay magsisimulang magtanong sa kanya. Silay magsasabi, “Sino ang iyong panginoon?” Siya ay sasagot “Ang panginoon ko ay ang Allah,” Sila’y magpapatuloy ,”Ano ang iyong panuntunan ng buhay?”Siya ay sasagot “Islam ang panuntunan ko ng buhay.” Sila’y patuloy na magtatanong at magsasabi,” Sino ang taong ito na isinugo sayo?” Siya ay sasagot,” Siya ang mensahero ng Allah,’ Pangwakas ay tatanungin nila siya tungkol sa kanyang mga gawain na kung saan siya ay sasagot,” Akoy nagbabasa ng Aklat ng Allah at Ako’y naniniwala rito” Sa isang ulat at salaysay, si Propeta Muhammad ( s.a.w.) ay nagpahiwatig na ang mga Anghel na ito ay magtatanong, “Sino ang iyong panginoon, ano ang panuntunan mo ng buhay, at sino ang iyong propeta?

{Ipinaliwanag ng mensahero ng Allah} Na ito ang magiging huling pagsusulit ng isang mananampalataya sa libingan, at ito ang ibig sabihin ng sinabi ng Allah ; Pinatitibay ng Allah ang mga mananampalataya ng matatag na patotoo sa mundong ito at sa kabilang buhay.” (Q 14 :27) ang namatay ay sasagot (sa libingan), “Ang Panginoon ko ay ang Allah, Islam ang aking panuntunan ng buhay, at ang propeta ko ay si Muhammad (s.a.w.) sa pagsagot ng mananampalataya sa mga tanong na ito, isang boses muli sa mga kalangitan ang maririnig, “Ang Aking alipin ay nagsasabi ng totoo, kaya damitan siya ng damit na mula sa paraiso, ihanda sa kanya ang mga sangkap sa paraiso, at buksan siya ng isang bintana ng may tanawin sa paraiso.’ Kapag daka, siya ay babalutin ng sariwa at mabangong hangin samantalang ang kanyang libingan ay palalawakin na ang layo ay hanggang sa abot ng kanyang matatanaw. Mula roon ay lilitaw sa kanyang harapan ang isang lalaki na may kamanghamanghang mukha at may magarang kasuutan, Nagbibigay ng napakainam na kabanguhan. Siya ay magsasabi sa kaluluwa, “Magdiwang sa balitang magpapasaya sayo. Magdiwang sa kaluguran ng Allah at sa Kanyang paraiso, na ang kasiyahan at galak ay di magmamaliw. Ito ang araw na ipinangako sa iyo. ” Ang namatay ay magsasabi sa kanya, “ At sino ka na ang iyong mukha ay nagbibigay mabuting balita ? “ Ang tao’y magsasabi, “Ako ay kumakatawan sa iyong mabubuting gawa ; Sumpa sa Allah, lagi kitang napag-aalaman na napakabilis sa pagsunud sa Allah at napakabagal sa pagsuway sa kanya. Kaya gantimpalaan ka nawa ng Allah ng kabutihan” Magkagayon isang pinto ng paraiso at impyerno ang bubuksan, sa gayong kalagayan sasabihin sa kanya tungkol sa impyerno, “Ito sana ang iyong magiging tirahan kung sinuway mo ang Allah, ngunit itoy pinalitan nito (paraiso).”Nang Makita ng kaluluwa kung ano ang nasa loob ng paraiso, siya ay mananawagan, “O Aking panginoon pangyarihin mo na ang araw ng paghuhukom upang makapiling ko na ang aking mga mahal sa buhay at makamtan ko na ang aking kayamanan, “ Kapagdaka’y sasabihin sa kanya, “Mamahinga ka ng may kapayapaan. ” Ang mensahiro ng Allah ay nagpatuloy, kapag ang di-mananampalatayang alipin ay lilisan sa mundong ito at papasok sa kabila;
Mga makapangyarihan at mabagsik na anghel sa langit ay bababa patungo sa kanya. Ang kanilang mga mukha ay maitim at maydala silang mga magagaspang na telang galing sa impyerno. Mauupo sila sa kanyang harapan sa pinakamalayong abot ng kanyang tanaw. Pagkatapos ang anghel ng kamatayan ay darating sa taong iyon, mauupo sa kanyang ulunan at magsasabi, “O masamang kaluluwa lumabas ka sa galit at sumpa ng iyong panginoon” pagdaka, ang kaluluwa sa loob ng katawan ay mababalutan ng matinding pagkatakot at ayaw lumabas sa katawan. Sa ganong kalagayan ay marahas na huhugutin ng Anghel ng kamatayan ang kanyang kaluluwa palabas tulad ng paghugot ng kalaykay na bakal sa basang lana, pinupunit nito bawat hibla at himaymay (sa kanyang katawan). Sa ganitong katayuan ang kaluluwa ay sinusumpa ng bawat anghel sa pagitan ng langit at lupa at ng lahat ng nasa loob ng mga langit. Ang mga pinto ng kalangitan ay sarado para sa kanya at bawat bantay sa mga pintuan nito ay nagsusumamo sa Allah na naway huwag idaan sa kanilang harapan ang kaluluwang ito habang itinataas. Ang propeta ay nagpatuloy , Ang Anghel ng kamatayan ay bahagyang hahawakan ang kaluluwa sa kanyang mga kamay at pagkatapos niyon ay kukunin ng ibang Anghel ang kaluluwa, babalutin siya ng tilang magaspang (na galing sa Impyerno). Doon ay sisingaw ang napakabahong amoy na matatagpuan sa ibabaw ng lupa. Sila (ang mga Anghel) ay aakyat kasama nito, wala ni isang grupo ng mga Anghel ang hindi maririnig na nagsasabi, “Sino itong napakapangit na kaluluwa? sila ay sasagot “Si ganito, si ganito, Anak ni ganito, at ni ganito” tinatawag siya sa pinakamasamang pangalan na napag-alaman at nakilala siya sa mundong ito. Sa kanilang pagdating sa unang kalangitan, ang mga Anghel ay hihiling na buksan ang pinto para sa kaluluwa ngunit ito ay tatanggihan. Sa ganitong pagkakataon, binasa ng mensahiro ng Allah ang sumusunod na talata: “Ang tarangkahan ng kalangitan ay hindi bubuksan sa kanya, o silay papayagang pumasok sa hardin ng paraiso hanggang sa ang isang kamelyo ay pumasok sa butas ng karayum.” (Q 7:40) Pagkatapos niyon siya ay muling nagpatuloy sa kanyang pagsalaysay. Pagkatapos ng Allah, ang pinakamakapangyarihan at dakila ay nagsabi sa mga Anghel, “ Ilagay ang talaan ngAking Alipin sa Sijjen” (talaan ng masasamang gawa) sa pinakamababang kalangitan. Ang talaan ng mga gawa ng taong iyon magkagayon ay ilalagay sa sijjen, pagkatapos niyon isang utos ang maririnig . “Ibalik sa lupa , sapagkat katiyakan, Aking ipinangako sa sangkatauhan na matapos Ko silang likhain sa lupa Aking ibabalik sila ditto, at pangyayarihin Kong ilabas muli sila rito sa ibang panahon. ”Pagkatapos ng utos na ito ang kaluluwa ay itatapon pababa, mula sa langit hanggang sa bumagsak ito pabalik sa kanyang katawang lupa. Sa ganitong pagkakataon, binasa ng mensahiro ng Allah ang sumusunod na talata: “At sino man ang nagtambal sa Allah, siya ay para bang nahulog sa langit, parang dinagit ng ibon o tinapon ng hangin sa malayong lugar” (Q 22:31) Pagkatapos siya ay nagbigay puna. Katiyakan maririnig ng patay ang mga yabag ng mga taong nakipaglibing sa kanya, sa kanilang paglisan at paglayo sa kanyang libingan. Kapagdaka’y dalawang Anghel mahigpit at mabalasik sa pagtatanong ang lalapit sa kanya, at iuupo siya at silay magsisimulang magtanong sa kanya. Silay magsasabi, “Sino ang iyong panginoon?” Siya ay sasagot “Hah!Hah! Hindi ko alam!” Sila’y magpapatuloy sa pagtatanong; “Ano ang iyong panuntunan ng buhay?” Siya ay sasagot: “Hah!Hah! Hindi, di ko alam!” Silay magpapatuloy sa pagtatanong at magsasabi:” Ano ang masasabi mo sa taong ito na isinugo sa iyo?” (Ang di mananampalataya ay makikitang di nauunawaan ang tinatanong ng mga Anghel, tanong tungkol sa huling sugo ng Allah na si Muhammad (s.a.w.) at muli siya ay sasagot, “Hah!Hah! Hindi ko alam. Narinig ko lamang ang mga tao na nag-uusap tungkol sa kanya” tapos ay sasabihin sa kanya ”Hindi mo Alam!!! at hindi ka nagbasa,” kapagdakay isang boses muli sa mga kalangitan ang maririnig, ”Siya ay nagsisinungaling. Kaya ihanda sa kanya ang lugar niya sa impyerno at buksan para sa kanya ang bintana ng impyerno,” Kapagdaka ang init ng apoy sa impyerno ang babalot sa kanya habang ang kanyang libingan ay nagsisikip papunta sa kanya, dinudurog siya hanggang ang kanyang mga tadyang ay magkabali-bali at magkasalusalubong. Mula roon ay lilitaw sa kanyang harapan ang isang lalaki na may napakapangit na mukha at may napakapangit na kasuutan, nagbibigay ng napakabahong amoy na magsasabi sa kanya: ”Sumaiyo nawa ang masamang balita,” Ito ang araw na ipinangako sa iyo,” Ang namatay ay magsasabi sa kanya, “At sumaiyo rin, naway pagkalooban ka ng Allah ng masamang balita! Sino ka na ang iyong mukha ay nagpapakita ng kasamaan?” Ang tao ay magsasabi , “Ako ang kumakatawan sa iyong masasamang gawain; Sumpa sa Allah, lagi kitang napapag-aalaman na napakabilis sa pagsuway sa Allah at napakabagal sa pagsunod sa kanya, kaya naway gantimpalaan ka ng Allah ng kasamaan. Pagkatapos isang bulag, pipi at bingi na may dalang pamalong bakal ang ipapadala sa namatay, kapag kanyang papaluin ang isang bundok ito ay maguguho. Kanyang papaluin ang namatay at siya’y magiging alabok. Kapadakay ibabalik muli siya ng Allah sa dati niyang anyo, sa ganitong kalagayan ay muli siyang pupukpukin. Siya’y mapapasigaw ng marahas na kung saan maririnig ng lahat ng nilikha maliban sa tao at mga Jinn. Magkagayon ang pinto ng impyerno ay bubuksan at ang higaan na apoy ay ilalatag para sa kanya, dahil dito siya ay mananawagan, “Panginoon, huwag mong pangyarihin ang araw ng paghuhukom,” Ang Buhay dito sa daigdig ay isang tagpo lamang ng walang hanggan o walang katapusang tagpo sa pangalawang buhay.

Ingatan natin ang ating paniniwala upang tayo’y maging karapat dapat sa araw na yaon… ang araw ng Paghuhukom. Bagamat ang ating pang araw-araw na pamumuhay ay ating iniingatan at pinaghahandaan, kahit na itoy alam nating panandalian lamang. Minimithi parin natin ang kagandahan at kinabukasan ng ating buhay. Di ba nararapat na gayon din ang paraan ng pag-iingat at paghahanda natin sa pangalawang buhay na siyang magiging tahanan natin magpakaylan man?

Hindi ba higit na mabuti nabago natin tanggapin at patatagin sa ating kalooban ang isang paniniwala, tiyakin muna nating ito ay tama? Sa dahilang kapag ito ay natanim at bumalot na sa kalooban ay kusang magiging taga-sunod sa paniniwalang ito, at ang anumang pagkakamali ay mahihirapan ng maituwid o tumanggap ng ibang paniniwala kahit na ito ay siyang tama. Mabuti nalamang kung ang unang iiral o mananaig ay kaisipan hindi kalooban.

Dapat mabatid na ang pinakamatibay na pamantayan ng isang tama ay makakamit sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kasulatan hinggil sa Allah na may malinis na layunin, walang anumang pag-iimbot sa kalooban; ang sariling pagtuklas ang pinakatamang paraan sa paghahanap ng kaalaman, at walang ano pamang pinakamainam kundi ang sariling pagpapasiya.
Alam ng lahat na hindi tayo mananatili sa daigdig na ito habangbuhay. Hindi na tayo muling dadaan pa sa landas na ito. Ano man ang ating naging kasaysayan: naging maligaya man o malungkot; ipinanganak mang mahirap o mayaman; matalino man o mangmang; maganda o pangit, anoman ang ating kinasapitan dito sa daigdig ay ayon sa kung paano natin ito ipinamuhay. Sa katunayan, wala sa mga ito ang pagkilala sa isang tunay na tao. Sinabi ng Allah: “Ang pinakamarangal na tao sa kanyang paningin ay siya na pinakatapat sa inyo” ito ang tunay at makatarungang paghatol sa pagiging isang tao, hindi ang ano paman.

Ang buhay natin dito sa daigdig ay inihambing sa isang manlalakbay: Ang isang manlalakbay, nang makakita ng punong kahoy ay nagpahinga lamang ng sandali, upang maalis ang kapaguran; pagkatapos niyang mamahinga ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay; nasa isang manlalakbay ay walang ibang pinagtutuonan ng pansin kundi ang marating ang patutungohan…

Sa maniwala kayo at sa hindi, ganito lamang kaikli ang panahon na ating itatagal sa daigdig… Ang sandaling pagpapahinga ng manlalakbay sa isang punong kahoy. Na ang buhay natin dito sa daigdig ay isang tagpo lamang ng walang hanggan o walang katapusang tagpo sa kabilang buhay…

Kung may pagkakataon nga lamang tayong magisip; Pansinin natin ang ating pagtulog at paggising sa araw-araw. Isang katibayan ito na tayo ay sinasanay. Ang ating pagtulog at paggising ay katumbas din ng ating kamatayan at ng ating muling pagkabuhay tayo ay mamamatay at muling mabubuhay, at pagkatapos ay haharap sa kanya upang tanggapin ang gantimpala o kayay parusa na kanyang igagawad. Na sa araw na yaon ang lahat ay makakamtan ang sapat na katarungan…

Sa bawat sandali sa pagdaraan ng araw, sa paglipas ng panahon, tayo ay tumatanda at habang tayo ay tumatanda ay nababawasan ang ating buhay. Lumalapit ang ating pagpanaw. Ang bawat isa sa atin ay katiyakang sasapitin ito: Ang kamatayan lahat ay mamatay at walang sino mang makapipigil nito. Ito ay kusang darating ! Ito ang katotohanan na tinatalikuran, tinatanggihan at binabaliwala ng karamihan!…

“Pagkatapos ng lahat ng mga pagsisikap, dumanas ng mga pagsubok, madama ang mga kaligayahan at ang kalungkutan, pagkatapos maranasan ang lahat ng mga bagay, pagkatapos ng lahat… ay upang kiinin lamang pala ng lupa ; “Ang ating dating kasuotan na naging bahagi ng ating kaayusan at katauhan ay magiging isang maruming basahan na lamang; “Ang ating mga buto na ngayon ay nalalamanan at ang ating mga bungo na ngayo’y kinalalagyan ng ating kaisipan, na minsang nangarap ng isang pag-asa sa makamundong bagay, kapag namatay, pagkaraan ng ilang araw ay magiging bahagi ng lupa na lamang, ang dating laman na pinapakain, ngayo’y ito naman ang kakainin!!! “Magiging isang alikabok, na ipapadpad ng hangin saan man nito naisin, at kung kaya, ang sino man ay maaaring pumatak ang luha ng minsanan o higit, sa wakas ng trahidyang ito na ating sasapitin. Ito ang katotohanan ng daigdig. masakit mang tanggapin subalit lahat ng may buhay ay dito sasapit.”

Bago dumating ang araw na ito, tiyakin muna natin sa ating sarili kung ang ating tinatahak ay tunay nga ba? Buhay na walang hanggan ang ating patutunguhan : walang hanggang kaparusahan o walang hanggang gantimpala, isa sa dalawa lamang ang ating makakamtan. Hindi dapat pairalin ang pagmamataas sa ganitong pagkakataon. Ito ang pinakamasilang bahagi ng ating pagpapasiya. Kailangan nating makatiyak, kailangan natin ang ibayong pagiingat. Buhay na walang hanggan ang pinagbabatayan! Hindi ito isang pangkaraniwang bagay, na kapag nagkamali ay maaari pang ituwid o baguhin tandaan, iisa lamang ang ating buhay, huwag nating ipakipagsapalaran ito ng basta-basta, baka tayo’y maging talunan pagdating ng panahon, napakasakit ang mangyayari, kung kailang huli na ang lahat, hindi na maibabalik pa ang lumipas na panahon tayo’y patuloy na tatahak sa landas na ikaw narin ang magwawakas… Bakit di tayo tumigil ng ilang sandali , mag-isip… tanungin ang ating sarili: Sino ang lumikha sa atin? Bakit tayo narito sa mundo? Ninais ba natin na mabuhay dito? Tayo rin ba ang may nais na mamatay pagkatapos nating mabuhay dito? Ano ang ating tungkulin dito? At paano natin makakamit ang tungkuling ito sa ating pinakamahusay na kakayahan? At ano ang para sa atin pagkatapos ng buhay na ito?

Ang mahahalagang katanungang ito ay hindi kayang sagutin ng katalinuhan ng tao ng nag-iisa. Kakailanganin niya ang banal na patnubay, upang makita ang tamang kasagutan sa mga ganitong mahahalagang katanungan. Pinarangalan ng Allah ang kaisipan ng tao at ginawa ito bilang isang paraan upang magkaroon ng kakayahang tumuklas sa mga palatandaan at makilala ang dakilang tagapaglikha, at pag-unawa sa kanyang mga maluwalhating kapahayagan.
Alamin!!! Maghanap ng katotohanan! Tandaan, hindi baka sakali lamang ang ating buhay, hindi dapat itong ipagwalang bahala! Kung gapangangan ka ng uhod ngayon, habang may kakayanan kapang palisin ito, gawin mo, huwag mong hintaying mawalan kana ng kakayanang gawin ito. Habang may buhay tulongan natin ang ating sarili, hindi mo na matutulungan pa ang buhay mo kapag binawi na ito sayo, dahil katotohanang ni isa man sa atin ay walang nakababatid kung saan, kung kailan, at kung paano tayo babawian ng buhay…

Barakallahu liwa lakum fil Qur’anil adhim, wa nafa’ani wa iyyakum bil ayaati wadh dhikril hakim, wa taqabbala minni wa minkum tila watahu huwas sami’ul alim, wa aqoolo qauli hadha wastaghfirollahu liwalakum wa lisaa iril muslimin min kullu zambin innaho huwal gafuururrahim.

No comments: